Last year, madalas akong manilip... manilip ng ibang pahina. Nakakatawa lang kasi sa tuwing ginagawa ko yun, huhugot muna ako ng isang malalim na hinga with matching kabog ng dibdib pa yun bago ko tuluyang i-click yung link ng pahina na yun. Kulay brown na may touch ng darker brown papuntang yellowish tapos parang scrapbook yung pagkaka design. Pero hindi yung design ang tinitingnan ko dun, yung mga piktyurs saka mga sulat. Hmmm. Madami na ako nadiskubre kahit nuon pa. Nag asawa na pala sya at may anak na tapos ngaun bibinyagan na yung anak. Ewan lang kung yun yung unang anak na nakita ko o may bago nang baby. Minsan may comment pa akong nakita, " mahal, miss ka na nmin ni baby". Orange mother! Ouch pa sya dati ( hihihihi) pero ewan ba kahit na para akong sinasakal pag bumibisita ako sa pahina na yun, araw araw ko pa rin yung binubuksan. Halos isang taon na rin na hindi ako nagawi dun, ngaun lang ulet. Ang feeling? Parang nasayang oras ko. Hahahahaha!
Akalain ko ba nuon na dadating ako sa ganuong pagkalimot. Pagkalimot ng mga sakit, hinanakit, mga planong nasira, mga pangakong hindi natupad. Bitterness ika nga. Nawala lahat ng hindi ko man lang namalayan. Mga sugat na gumaling kahit hindi ko nilanggasan. Buti na lang hindi ako diabetic.
No comments:
Post a Comment