Friday, September 10, 2010

Extra lang po. :D

Ayaw ko maging bida sa sarili kong pelikula. Gusto ko maging EXTRA lang.

Bakit kanyo?

~ HERE COMES THE KONTRABIDAS IN RED STILETTOS- Pag bida, ang tema ay palaging " you and me against the world". Kalaban mo ang buong mundo.. ang mga magulang mo na napulot ka lang pala sa tae ng kalabaw.. boss mo sa trabaho na galit sayo sa napakababaw na mga dahilan, for example, dahil mas straight o mas kulot ang buhok mo sa kanya..mga kamag anak mo na gusto ka ipa-snipe dahil heiress ka pala hindi mo lang alam pero alam na ng buong mundo. Hindi ko tuloy maintindihan kung sinasadya ba na utak biya ang mga bida??

~ IPINANGANAK KANG MALAS LANG TALAGA? - Nung nalaman mo na ampon ka ( at long last after 50 years ) heto na ang soon to be reunion mo with your mayaman parents talaga, bigla nmn namatay sila sa isang aksidente na pakana nmn ng tita at tito mo na gustong makuha ang kayaman ng parents mo. Tsk tsk. Okay lang yan, may last will nmn ang matatalino mong magulang na nakatago sa isang vault. Syempre ang susi ay nasa pendant mo na suot suot mo simula nung bata ka pa. Pero dahil malas ka nga, naiwala mo din ito at napasakamay ng tita mo. Nakita nya yun sa ilalim ng punong mangga, sa may bandang kanan ng pinakamalaking sanga na nakaharap ng down south, perpendicular sa kalye malapit sa bahay nyo. Akalain mo yun, swerte tita mo. Samalantalang nasa harap mo na iyon nang buong tapang mong pasukin ang bahay nya isang gabi, pero hindi mo pa nakita.. kung ahas yun, natuklaw ka na nga. :))

~ IYAK LEFT, RIGHT, UP, DOWN, HERE, THERE AND EVERYWHERE, ROLL IT!! - Tanong lang ah, kelangan talaga pag iiyak palagi upclose? with matching pang sawi na song? Wala bang private moment? Yung tipong sarili mo lang, ikaw lang sa mundo mo, ikaw lang nakakarinig ng iyak mo? Pero BIDA nga eh, dapat lahat ng moments captured! So goodluck sa nosepicking trip. =))

~ PERFECTION IS A MUST! - Kelangan maputi lahat.. singit, kilikili,legs, tuhod, siko, panga, ngipin, kuko, talampakan, pati gilagid! Mahirap abutin ang level na yan dahil mas gusto ko mag pluck kesa mag shave. Nyahahahaha!! At yung gilagid ko ay kulay pula. Nyahahaha!Yung tuhod at siko ko'y maitim dahil madalas akong madapaKasalanan bang maging kakulay ang lupa? >:)



EXTRA -
pasulpot sulpot, minsan mahaba ang linya, minsan konti, minsan may iyakan na eksena, minsan galit, minsan pagod, minsan nagdududa, minsan pinagdududahan, minsan sakim, minsan mapagbigay, minsan nasasaktan, may glitches sa skin, frizzy ang buhok one day..the next day shines, nangangarap, nagmamahal, minsan nawawala sa spotlight, minsan bumibida.

Ordinaryong extra lang po AKO. Sa ingles:
EXTRAORDINARY ME. :d

No comments:

♥UDD Rocks my world!♥