Sobrang hooked ako sa panunuod ng tv nitong mga nakaraang linggo. Resulta na rin ito marahil ng monotonous kong pamumuhay.
Gigising.
Maliligo.
Magtatrabaho.
Kakain.
Uuwi.
Kakain (ulit).
MANUNUOD NG TV (ayun oh!).
Matutulog.
Kaya pati ang panunuod ko ng telebisyon ay naging monotonous na rin. ( *tawa insert here )
TV Patrol.
Princess and I.
Walang Hanggan.
Dahil sa Pag-Ibig
PBB Teen Edition.
Dream High
Isama na rin natin ang Bandila kung talagang hirap akong dalawin ng antok. ( *tawa insert here )
Ngunit, datapwa't, subalit, hindi nmn nangangahulugan na pinapanuod ko ang mga programang ito ay gustong gusto ko na ang mga ito. Sapat lang, wala sa to the nth level. Sadya lang monotonous ako. ( * grin insert here)
Pero habang nanunuod ako ng PBB teen edition nung nakaraang araw, biglang napataas yung kilay ko. ( Which is soooooo wayyyyy out of my ordinary couch potato routine ). Nag iiyakan ang mga bagets habang nagkukwento sila ng mga issues nila sa mga Nanay nila. (Maybe because mothers day is just around the corner kaya ang topic nila is about their Moms.) I got an instant emotional shifts. Hindi dahil na-touch ako or na move ako sa mga kwento nila. I was actually shocked. Lahat ng sinasabi ng mga bagets ay mga hinanakit nila sa mga Nanay nila, making an image like kawawa sila or whatever image they want to convey to the viewing public. Although I'm not a parent myself, nasasaktan ako para sa mga magulang nila. Hindi naman ako super close sa Nanay ko but I have a lot -and I mean A LOT of good things to say about her. Kulang pa ang oras sa primetime para isa-isahin ko kung kagaano ako ka-bless having a mother like her. And given the chance to be aired in a television show, I WOULD CERTAINLY SEND MY LOVE TO HER EVERYDAY AND SPEAK MY HEART OUT HOW LUCKY A DAUGHTER COULD BE, HOW BLESSED OUR FAMILY - kasi sya ang naging ILAW ng aming TAHANAN. Nakakalungkot, I don't think their Moms deserve that.
It's a reality show, yes. Yet still, it's just a show. Ang tunay na realidad ay ang ating pamilya. Ang tunay na emosyon ay nagsisimula pag lights off na. Pag tapos na ang palabas, sino ba ang totoong bida?
Hay. makabalik na nga sa monotonous kong mundo. (*tawa insert here)
No comments:
Post a Comment