Sunday, April 24, 2011

Pangungulila


Nangungulila ako sa'yo.

Hindi ko maapuhap ang mga katagang magbibigay ng kahulugan sa lambong na dulot ng pangungulila ko sa presensya mo. Nais kong ikulong ka sa aking mga bisig ngayon ngunit tila malupit sa akin ang panahon at pagkakataon. Napakalayo mo.

Lubhang napakahirap pagmasdan ang pagpapalitan ng dilim at liwanag kaalinsabay ng unti-unting ring napipitas na panahon na wala ka sa aking tabi. Ang mga umaga na tila naghihintay din na masilayan ka sa kanilang pagdungaw sa silangan. Ang mga takipsilim na wari'y nananabik din mahimlay sa init ng iyong kandili at kapagdaka'y iuuyog ng malamyos na hangin ang alingahot ng maghapon sasal ang taimtim na dasal na sana sa bukang liwayway ikaw ang unang magisnan. Subalit hungkag ang mga isiping ito. Napakalayo mo.

Nangungulila ako ng labis sayo mahal kong.... Mindoro.

:)



3 comments:

Roy said...

Muztah dito? Bumabati ng magandang umaga.

www.abdul-hakeem.com

Qai Qai said...

Hello Roy. Thanks for dropping by. :)

Anonymous said...

kala ko kay kuya ka nangungulila :))

♥UDD Rocks my world!♥