Monday, April 18, 2011

Sharing my cup :)

Limang minuto lamang ang kinailangan ko upang pagtibayin at simulan ang aking desisyon na PAGBABAGO. Bagaman ilang araw rin na minumuni muni ng payak kong utak kung gagawin ko ba ito? Ewan. Sa anong kadahilanan? Ewan. Kailangan ba talaga? Ewan.

Basta gusto ko lang. Papalag ka? >:)

Klik dito. Klik dun. Sa isang bigla, naging COFFEE TABLE ang blogsite ko.

Bakit Coffee Table?

Uhm. Sa totoo lang wala nmn akong coffee table. Kung saan saan ko lang pinapatong ang kape ko. Basta solid surface na hindi sya matatapon, kahit sa loob ng kubeta pa yan, keri lang. May mga pagkakataon na gusto kong bumili lalo na pag napapadaan ako sa appliance center pero naisip ko din na may mas marami pang importanteng bagay ang dapat ko paglaanan ng pera at hindi kasama dun ang coffee table.

Kaya ito, bunga ng obsession para sa isang coffee table, ang tema ng aking blog.

A refreshing way to start back to square one is to share my cup. :)


No comments:

♥UDD Rocks my world!♥