Wednesday, November 3, 2010

Tea is good for you.


( )ea is good for you.

Alam ko yun. Dati kasi akala ko everything is about WATER. Hindi ako aware na nag eexist pala ang ( )EA.

( )ea is good for you.

Alam ko yun. Hindi lahat ng uhaw ay kayang pawiin ng WATER. Alam ko gusto mo rin ng softdrinks pero nakasama sayo kaya itinigil mo na. Ayaw mo na rin ng kape, nagpa-palpitate ka kasi nung nasobrahan ka nun kaya unti unti mo na rin inalis sa pang araw araw mong buhay. Tanong ko sayo, may iba pa ba? sabi mo wala na, WATER lang kelangan mo.. kaya araw araw WATER ang sini-serve ko sayo.

( )ea is good for you.

Alam ko yun. Pare- pareho kasi ang lasa ng WATER. Kahit pa sabihin na distilled, mineral o purified pa.. pareho din yun. Nagsawa ka na.

( )ea is good for you.

Alam ko yun. Kaya nga i gave up the idea na magugustuhan mo pa ang WATER. Pwede ka kasi mag switch sa iba ibang flavor. Strawberry. Taco. Royal Milk. etc.

( )ea is good for you.

Alam ko yun. Pero bakit ka naghahanap ng WATER ngaun? Wala na, natuyo na ang reservoir.

No comments:

♥UDD Rocks my world!♥