Dear Tatay at Nanay,
Parang kailan lang kami ay mga uhugin pa. Mga musmos na ang tanging langit ay ang maglaro ng tumbang preso sa gabi, gumawa ng papel na manika, maghalu-haluan na ang yelo ay dinurog na piraso ng semento, gumawa ng langis sa mga pinigang dahon ng gumamela, magpalipad ng saranggola sa likod ng bahay, tumambling sa uhutan, mag-dive sa irrigation pagkatapos ng eskwela, umakyat sa puno ng may puno.. at marami pang iba. Mga bagay na inuulit ulit kong alalahanin habang ako’y malayo sa inyo. Mga bagay na nananatiling langit sa nahihinog ko nang utak.
Sinong makakapagsabi na noon kami ay gulping hahamit sa laugan? Na hindi mapatali ang mga paa namin pag nasa labas na lahat ang aming mga kalaro at kami na lang ang kulang para sa dampa-dampaan. “Maglinis ng bahay. Maghugas ng pinggan. Magwalis ng bunsuran.Punuin ng tubig ang banga. Pag natapos saka lamang maglalaro “ Duet pa mandin kayong dalawa sa litanyang yan araw araw. Swerte na pag natapos ng alas dyes. Pag inabot ng siesta, paktay na, isang pilit na tulugan naman. Sige ka, pag hindi natulog magiging utdo daw at hindi na malaki. Ay hanep! Sana ay uso na ang cherifer nun para hindi na kailangan matulog sa tanghali. Anung hapdi ng mga mata namin sa pagpikit na kunwari ay tulog para payagan na magtumbang preso pag papalubog na ang araw. Pag nakalusot naman at nadala sa pakiusap na maglaro kahit walang siesta, mamaya ay siguradong abot abot na ang sipol ni Tatay kasabay din nun ang naghahabulan naming mga paa pauwi sa bahay.
Lumaki kaming hubad ang pagkatao sa mga kritikong marahil ay naghihintay na kami ay magkamali o maligaw ng landas. Mga tao na handa kaming pukulin ng bato sa isang baluktot na gawi.Same people, same crowd, same critics.. mula noon hanggang ngayon.
The hardest, being your children, is to maintain the standards the society had set with us being the example. Sabi nga, one wrong move and you’re dead. Mahirap, in the sense na , kahit na pagkakamali na namin, these critics has a way to bounce back the negative comments sa inyo. That part was unbearably painful sa akin.. sa amin.. kasi alam namin na nasasaktan kayo. Our shortcomings are not yours. When we sin, that doesn’t make you a sinner. We’re no angels. We make mistakes once in while pero hindi po big sabihin nun ay hindi kayo naging mabuting magulang.
May nasulat akong essay nung 2nd year highschool ako.Ang pamagat ay “ What I Will Be 10 Years From Now”. Hirap na hirap ako maglatag ng mga ideya kong karera nuon.Una, malay ko bang mahirap pala kitain ang pera? Hinihingin ko lang nmn iyon sa inyo. Ikalawa, matagal pa yung 10 years, bakit po-problemahin ko agad yun? I’ll cross the bridge when I get there, sabi ng utak ko. I came up with a crappy essay with a sensible ending. Haha! Here to show off the last part :D
“ What I Will be 10 Years From Now”
I’m not really sure.Teacher. Nurse. Doctor. Writer. Musician. I can’t be just a bit of everything I want.I might change my mind every now and then and just be a simple house wife?But whatever and wherever life takes me 10 years from now, successful in my own field or not, I’m certain I’ll remain to be the loving daughter to my parents and loving sister to my siblings. Years won’t change a thing."
Mahirap i-criteria ang pagiging mabuting magulang dahil sabi nga nila, lahat ng magulang hangad ay mabuti lamang para sa kanilang anak. Things kinda get messy on this process, some kids aren’t that “accepting” while some parents keep on “insisting”. You know how it went after.
Isang bagay lang siguro. Pag malalaki na ang mga anak at nagkaron na ng sari-sariling buhay yet still at the end of the day, in the depths of their hearts, they wanna go home.
I do... with much anticipation.
With much longing,
Ur-super-daughter-wannabe ♥