Wednesday, February 3, 2010

is-to-ker?!?

Napatda ako bigla sa kabila ng aking pagmamadali na makarating ng opisina. Maulan ang araw na ito kahit na malapit na ang summer at ang bwiset kong payong ay hindi pa nakisama. Masisira lang din ay sa araw pa na kailangan ko sya. Madalas ko na syang makita nitong mga nakaraang araw. Minsan pa nga tatlong araw na magkakasunod ay nakakasalubong ko sya malapit sa may grocery store. Nuong isang buwan isang beses ko lang sya nakasalubong at kagaya din ngaun ang scenario. Susulyap sya at babawi rin ng tingin agad. Hindi nga kaya nya ako kilala?

Magdadalawang taon na ang nakalipas nuong una ko syang nakita. Doon din sa tapat ng grocery store na yun. Pamilyar ang mukhang iyon. Parang napagmasdan ko na minsan sa aking buhay. Ang mga ngiti ay katulad din ng mga ngiting una nyang ipinukol sken isang gabi ng tagsibol. Sya iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Ang tindig, hubog ng katawan, hugis ng muka at ngiti ay halos gumupo sa nanginginig ko nang tuhod. Dumadagdag pa ang panahon sa lamig na aking nararamdam pero mas daig nito ang lamig na tingin na ibinigay nya sken.

Nakakaligalig ng puso at isip ang mga biglaan nyang pagsulpot. As much as I wanted to cast him off, here he is popping out anywhere he likes. Sa bilis ng lakad ko hindi ko napansin na andun pala sya kaya bago pa ako nakatawid ng kalsada ay ito na sya sa harap ko mismo. Mga ilang segundo rin yata na nakatanga lang ako sa harap nya. Pagkatapos nun ay tumawid na rin ako sa kabila. Nangingiti akong pinagmasdan sya habang nakatalikod. Marahil nagtataka rin sya kung bakit ganun ang naging reaksyon ko nung ngumiti sya.

“ Mas gwapo sya sayo kasi pag ngumingiti sya pati mata nya tumatawa.. “

Hindi ko sya kilala. Hindi nya ako kilala. Pero minsan ko nang napagmasdan ang mukhang iyon. Minsan isang gabi ng tagsibol.

No comments:

♥UDD Rocks my world!♥