Tuesday, February 2, 2010

P_A_T_L_A_N_G

_______________

Ano daw ang patlang?

Natatandaan ko noong nag aaral pa lang ako pag nag eexam yung titser ko laging may “ fill in the blanks”. Pag hindi ako nakapag aral mga title ng mga paborito kong kanta ang sinusulat ko sa mga patlang. Swerte na kung mas marami ang natyambahan kong sagot. Buti na lang hindi nagagalit yung guro ko. Alam nya kasi na wala syang maaasahang matinong sagot sken. Minsan pa nga may nilalagay syang note sa ibabang bahagi nung papel ko. “ Is there anything bothering you Ms. Madrid?” o kaya nmn “ Do you know the song Traces? If you can provide me a copy then maybe I could give you a passing grade”. Kaya nagpursige ako na alamin yung song. (Kinuwestyon tuloy ako ni manong dun sa Omega kung ilang taon na raw ako.) Ayos itong si madam. Pano kasi ang hilig sa fill in the blanks. E kung essay yun siguro nmn papasa ako. Ganyan ko nakilala ang patlang. Isang guhit na walang laman pero pag nilagyan mo, problema ang kasunod.

Nung magsimula nmn akong magtrabaho sa call center, isang kakaibang mundo ng mga patlang ang bumungad sken. Mejo shonga pa ako sa computer nuon. Buti na lang marunong ako gumamit ng Excel. ( Salamat kay sir na titser ko sa BC1, palaging hands on, wahoo! ) Outbound ang account ko pero pulos mga appointment setting. Jusko! Nauubos ang laway ko kakakumbinse na magpa appointment sa client nmen na hindi ko nmn kilala kung sino, basta kano daw, sa huli sasabihan ka lang ng tumataginting na “ I’m not interested!” Bwiset! Swerte na nga rin kung hindi ka murahin. Haha! Basta lumiliwanag na sa labas ng building, ikot na ang pwet ko pag nakikita kong pulos patlang ang window ng Excel. Kung pede lang sana na title ng mga paborito kong kanta ang ilagay sa mga patlang na iyon ginawa ko na. Kung ang magging parusa lang nmn ay maghanap ng lumang kanta e why not? Kaso baka masesante ako. Hay patlang, nauso ka pa.

Kung tutuusin, ang patlang ay isang ordinaryong guhit lamang na likha ng bolpen o lapis. Walang espesyal na kahulugan o ibig sabihin. Hindi ko alam kung pano nakakalikha ng patlang sa kompyuter kahit walang panulat pero same difference. Isa pa rin syang walang kakwenta kwentang linya.

Ang buhay nten ay isang napakahabang patlang. Nasa sa atin kung ano ang ilalagay nten dito. Aasa ka ba sa tyamba na baka tumama ka? Manghuhula ka na lang ba? O pupunan mo ang patlang ng mga bagay na nais ng puso mo? Magkakaron ng kwenta ang patlang depende sa kung ano ang isusulat mo dito.

PS:

Siguro naisip nyo din kung bakit hindi nagalit sken si madam noon. O kung hindi nyo naisip, ipagpaliban na lang nten sa PATLANG. (bleh!)

No comments:

♥UDD Rocks my world!♥