Wednesday, February 3, 2010

Kambing Mode

Ang mga araw ay patuloy na mapipitas sa nagsasangang inog ng panahon,

Ang salitan ng dilim at liwanag ay ganun din.

Yayabong ang mumunting supling ng kahapon,

Uusbong ang kalingang itinanim.

Sino ang lumimot?

Ang araw sa lambong na idinulot ng dapithapon?

Ang ulan sa tigang na lupa?

Masasabi bang paglimot ang dagliang pagkawala?

Ate katz, Mama, Dadi, Ate Dan, Kuya Joel, Yangtots, Kersipot..

:(

Hindi ako nakakalimot.

Tag ulan pa kasi eh.

Kambing mode lang.

Miss ko na kayo.

:(

No comments:

♥UDD Rocks my world!♥